Balikbayan natangayan ng P141-K dahil sa salisi

×

Error message

Deprecated function: The each() function is deprecated. This message will be suppressed on further calls in ec_product_ptypes_access() (line 264 of /home/cctvpinoy/public_html/sites/all/modules/ecommerce/ec_product/ec_product.module).

Published  January 3, 2020 1:35pm

MAYNILA - Hindi inaasahan ng isang pamilya na galing sa Japan na magiging biktima sila ng salisi habang kumakain sa isang fastfood chain sa bayan ng Balagtas sa Bulacan.

Nakunan ng CCTV ang pagkulimbat ng kawatan sa bag na nasa likod ng biktimang si Melody habang kumakain ang kanilang pamilya sa isang fastfood restaurant sa NLEx-Balagtas noong Disyembre 28, 2019.

"Yung lalaki po may kausap sa telepono tumabi siya sa hipag ko tapos dahan-dahan niyang hinatak 'yung bag," kuwento ni Analiza.

Sa panayam sa DZMM Lingkod Kapamilya, sinabi ni Analiza na sinamantala ng kawatan ang pakikipag-usap nila sa service crew ng fastfood.

"Sinabayan po nila 'yung pagrereklamo ko sa waiter kaya dali-dali, dahan-dahan nilang kinukuha 'yung bag ng hipag ko kaya 'di na po namin namalayan," sabi ni Analiza.

Ayon sa pulisya, dalawa ang kawatan na nakita sa CCTV—isang lalaki na tinatayang nasa edad na 40 at isang babae na nasa 50 ang edad.

Isang lalaki na may kausap umano sa cellphone ang nakitang tumabi sa biktima habang nag-aabang naman sa labas ang kasamahan nitong babae.

"Parang naghahanap ng signal, hindi naman po ako nagduda. Hindi naman kasi siya mukhang magnanakaw. Mukha po ngang siyang mas may pera sa amin," sabi ni Melody.

Nang makita ang pagkakataon, biglang ipinasa ng lalaki ang bag ng biktima sa babaeng suspek na agad pumasok sa restaurant.

Namalayan na lamang ni Melody na wala na ang kaniyang bag nang pauwi na sila. 

Bukod sa Yen na may katumbas na P141,000, kasamang natangay sa bag ang passport ng pamilya ni Melody, mga alahas, cellphone at iba pang importanteng dokumento.

Ginagawan naman umano ng pulisya ang lahat para makakuha ng lead para sa pagkakakilanlan at pagdakip sa mga kawatan.

"Sana mahuli na para wala nang mabiktima pa po," sabi naman ni Analiza.

Humiling ng tulong ang pulisya sa publiko na makipag-ugnayan sa kanila sa hotline na 0998-598-5374 kung may impormasyon sila tungkol sa mga kawatan.

Source:ABS-CBN